Tuesday, April 15, 2008

SEX = Sinangag EXpress

Ako'y banggag. Ako'y antok pa. Haha. Ako'y may hangover pa kahit hindi naman kami uminom kagabi. Eck labo!

Ang may pakana? Si Sheena! Ako'y busy sa trabaho kahapon nang may nagmessage sa 'kin.
Sheena: May alam ka bang pasta restaurant sa Glo o Greenbelt? (or something like that)
Ako: Uhmm.. Capricciosa?
Sheena: Wag mong mabanggit ang Itallianis ah. Wala akong pera.
.....and the conversation goes on.

Ang bagsak? Sa Amici! Bwahaha! Nagkayayaan na, tutal malapit na naman ako dun. Ang buong akala ko dinner date kami one of these days. Sabay tara 8pm tonight. Eh? Sama natin sila Andrew. Sige sure. Hanggang sa lahat na nang pwedeng mahatak. Haha! Si Joel nung una 'di pa daw siya sure, habol na lang daw siya. Sabay hirit ni Sheena, sige if ever lipat na lang tayo ng venue. Sabi ko naman, sige sa sinangag na lang tayo 24 hours dun. Alam mo ba yun? Ang reply? Oo sige pwede din. SEX tayo? Ako'y nawindang. (Emoticon ko = Shocked) Eh? Biglang reply SEX = Sinangag EXpress. =)) Nak ng putcha! Sabay ginoogle ko, sinangag express. (Oo google!) Haha matagal na pala yung tawag sa resto na ganon. Huli na'ko sa balita? Eh kapitbahay ko lang yung makati branch nila, duh. Madalas kami ni Hon dun. Oo SEx. Lolz! Sarap kasi ng TAPA! Tapang tapat tapos may batchoy? Yum!

So yun nga natuloy kami sa Amici kagabi. Nauna kami nila Hon and RJ. Nag-order na, not to mention pang-pitong tao yun ah. 2 pizza at 2 pasta. Kinalabasan eh 4 na tao lang ang kumain. Nakiupak na lang si Joel. Gutom na gutom eh. Late kasi sila dumating. Tsk tsk, 8pm daw oh. So yun nga, nagseparate order sina Sheena, Pete at Andrew. Goodluck na lang di'ba. Uber sa busog. Haha nag-gelato pa kami after ah! Foodtrip talaga! Para ngang kami nagsara ng resto eh, kami na lang natitirang customer. Haha nag-take out pa kasi ako ng pizza. Pasalubong kay Mamita. (Gagabihin kasi ako, este uumagahin!)

Sabay lipat kami ng place. Hindi SEx eh. Uber sa busog na kami para magSEx. Lolz! Hala sige kape na lang. Pinagkasya namin sarili namin sa BMW auto ni Pete. Kewl ride! Ang sakay ay pitong katao. Haha! Not to mention nahuli pa kami ng parak! Kumanan sa no right turn. Galeng! Eh malay ba naman. Ang palusot nila Pete: 'Di kasi ako taga dito eh. Nagtatrabaho ako sa Clark. Baka pwede naman nating pagusapan, chief. Sabay hirit ng chief ng mabasa sa license ni Pete ang address: Eh taga-QC lang kayo eh! Sablay! Mabuti na lang pinalusot kami, nagsinggit na lang ng dalawang daan. Lolz!

After ng foodtrip, kape naman. Tumambay lang sa Coffee Bean in Convergys Bldg sa Ayala. Wah! First time ko magkape dun, hehe! White Choco Dream is really a dream, lolz heaven pala. Whatever. So yung nga.. Tambay lang, kwentuhan.. Kamustahan about work at nag-reminisce pa about our college life. Haha! Bilis ng panahon! Hay. Ayun nakaalis kami dun mga 1:45am na! Maaga pa nga yun eh, daw. Takte naman monday na monday eh noh. Puyat at banggag tuloy kami lahat ngayon. Haha!

No comments: