Wednesday, May 6, 2009

Caesar (Salad) disaster!

Hon and I went to MOA last night to watch an indie film entitled "Padre de Pamilya". I bought snacks so we could eat something while the movie is going on. The snack bar there is very overpriced! Hotdog in a bun costs 60 pesos and their Hotdog combo (with iced tea) is 85 pesos! Geesh buti kung Smokey's pero plain lang. Mine doesn't have mayo on it kasi naubusan na daw. So isa lang yung nalagyan, I gave it to Hon na lang. Tapos ang iced tea, walang ice! Nak ng.. Ano ang iced tea kung walang ice? So tea na lang? Amps! Sabay hirit ng staff, "Mam malamig naman kahit walang ice eh". Wow ah.. Sha hinayaan ko na lang since andun na eh tska malapit na magsimula yung movie. Hay.. Taga!

Okay naman yung movie. Tungkol sa corruption a.k.a government, pananampalataya, at pamilya. Dapat hindi naging indie film yun eh. Dapat mapanuod ng madla yun, lalo na ang gobyerno. Matamaan man lang sila sa mga katotohanang sinadula doon.

Pagkatapos ng movie, medyo nagutom kami ule. Naghanap ng pagkakainan pero halos lahat sarado na kasi 10:30pm na kami nakalabas. Buti bukas pa yung mga restaurants sa hilera ng Gerry's Grill. Sa Guilly's kami kumain since may salad. Medyo busog pa kasi ako so feeling light food lang ang kakainin ko since gabi na rin. Ang order naman ni Hon, Chicken Teriyaki. So antay kami.. kwentuhan muna. He even suprised me with a gift.. a very nice Swatch watch! Kaya pala may kinukuha sya sa bag and sabay tinago sa likod. Ayun.. Kakatuwa.. Ayluvet! Anyway, back to my story. Hay. Nung dumating yung order namin, nagulat ako sa nakita ko! Ang daming lettuce, kakapirangot ang sahog at dressing! Nasabi ko, "Yan na yun? Yan na yung 180 pesos?" Nanlumo talaga ako. Ano ako kambing?? Talagang tinawag namin yung waiter para itanong kung ganito ba talaga yung serving nila ng Caesar Salad nila, parang isang kutcharitang dressing! Ang sabi lang ng waiter, "Sandali lang po ah, tanong ko po sa kitchen." Grabe sa tagal bumalik tapos ang sinagot lang "Pasensya na po, naubusan na po kasi kami ng dressing eh." Whaaaat! Eh bat pa sinerve kung ganon? Kakairita! Buti nagtimpi pa ako and medyo mabait pa ako nung mga panahon na yun. Ang nasabi ko, "Ay ganon, so anong gagawin ko ngayon?" *Long pause* Papaalis na yung waiter pero tinawag ko ule. "Teka, baka mayonaisse meron kayo.. tska ketchup." Buti naman at meron sila pero KAHIT NA! Yung customer pa ang gumawa ng paraan! Ano vey?!? Ang mahal ng mahal tapos ganon lang. Wow as in wow! Kahit ako kaya kong gawin yung salad na yun eh. Biro mo maraming lettuce, konting bacon bits, and croutons..and not to forget the dressing ha! Kalurkey! Eh parang wala pang 100 pesos yun. Hay. Taga! Kung maldita lang talaga ako... Hay! Not to mention na ang dumi pa ng place, may nakita pa kaming maliit na ipis sa table namin. Yung CR nila, masusuka ka sa dumi. Hay! Hindi rason ang gabi na at malapit na magsara yung restaurant. Dapat overall quality pa rin ang priority, ano mang oras. Never na ako kakain sa Guilly's MOA! Grabe, what a dining experience! Sa tingin nyo nagbigay pa kami ng tip? Oh comm'n, seryoso?! Haha!

Disaster talaga! What a ripoff! Bow.

2 comments:

Madz said...

Hi sis! Had fun reading your movie and dining experience, hehe. It's not cool that you had to deal with the Caesar salad na halos walang ingredients. Ang mahal na talaga ng food noh?

BTW, if you have time kindly visit my blog sometimes, thank you! :)


My Blog :)

Ninaf01 said...

haha thanks sis! sooo uncool talaga. thanks for the comment.

ayt, i'll visit your blog. =)