Hon's Japan Visa has arrived yesterday. I felt miserable by the time he popped the news... I still feel miserable now. Hay.. Sure na kasi na aalis na sya eh. Dati kasi medyo okay pa kasi palaging napopostpone. Halos 2 months na napostpone. At least we spent it naman wisely, quality with each other. 3-4 times a week kami nagkikita.. Hindi pa ako ganon worried. This time kasi, sure na.
Some say mabilis lang ang 1 year. Well, siguro nga. Pero kung mawawalay sa'yo ang taong mahal mo ng isang taon, napakatagal na panahon ang 1 year. Lalo na sa akin since first time LDR (Long Distance Relationship). Tapos, medyo scared din me kasi may swine flu doon sa Japan. Though wala naman daw doon sa city na pagsstayan nya, nakakatakot pa rin. I advised him to take care of himself, magpalakas ng condition, buy lotsa vitamin, exercise and be healthy. Naks parang nanay lang eh noh? Pero as a girlfriend naman, sinabihan ko na sya na mag-behave and no other girls than me! Haha! I trust him pero iba pa rin ang mga Japanese girls. No pun intended. I know naman his loyalty and love is on me lang. Hay.. Gusto ko man na huwag na sya umalis, kailangan eh. It's for our future and their family's too (since plan nya magpatayo ng house for them). He'll be earning x times (secret na ang rate) than what he earns here. Para na rin sa career path nya din ang trip na toh. I mean, malaki na expectations ng company nya sa kanya. He'll be a project manager and software developer there. Wow, by the age of 23 ganon na position nya. Ano pa kaya kung by the time na married na kami (ahem, ahem). Haha! (Too much recognition/praise ka na hon dito sa blog ko ah.. manlibre ka naman!)
Pero seriously, that business trip is a big opportunity and I'm very proud of him from where he is now. Sobrang mamimiss ko sya! Huhuhu.. 'Di bale pupuntahan ko sya sa Japan after 5-6 months? Kung pwede, why not dba? Leave ako for 1 month din! Kahit unpaid, okay lang. Sana payagan. Sarap yun.. Makabakasyon sa ibang bansa. It'll cost me for the airfare and Japan tourist visa pero okay lang din! At least magkakasama kami ni Hon sa Japan. Hehe pwede! Sana talaga hindi ako mahihirapan sa pag-process ng application. Hay.
Basta. If ever naman hindi na-approve or something, I'll wait na lang hanggang sa pagbalik nya. I'm just here.. I'll wait.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Ow... Thanks po honey... Promise, behave ako dun... Ok... Saka, wala ka namang dapat ipagbahala dahil hindi naman ako kagaya ng iba... Yun... Nway, Sobrang mamimiss din po kita... Hay... Pero as you said nga, it's for our future and my family's future...
Me rin naman po eh... Sobrang proud ako sa'yo honey... I know, mas magiging successful pa tayo (before our marriage). hehehe...
Anyway, Mahal na mahal po kita... ingats ka po palagi, ok... Mwah... :*
Post a Comment