Monday, October 27, 2008

Bicycle

I got inspired again by Fr. Robleza last night. He shared in his homily the importance of God's Love. Nagkwento siya about this girl. Meron daw isang babae na merong isang malubha at nakakamatay na sakit. Dasal siya ng dasal kay Lord na sana gumaling na siya. She did all the possible things just to make her well again. Nagnonovena siya... After a week yata, a miracle has happened and she got cured. She thanked Him for everything 'coz she knows He answered her prayers. Sa kagalakan nya, she fell from her wheel chair. Mabuti na lang nandun ang kanyang asawa. Tinutulungan siya ng asawa nya pero nagpipilit na huwag daw siyang tulungan. Sabi ng babae, "Wag moko tulungan! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nasa sitwasyon na toh." May naitatagong galit pala siya sa kanyang asawa. Sa sobrang galit nya, nanikip ang dibdib nya at tuluyan siyang namatay.

Ang kwento na iyong ay maihahambing sa isang bicycle. Ilan ba ang gulong ng isang bisikleta? Hindi ba dalawa? Ilang gulong ang pinapatakbo ng pedal? 'Di ba isa lang. Yung wheel sa likod. It just needs a front wheel for it to move forward.

Sa kwento naman, parang hindi dapat dinadaan lang sa dasal ang mga problema. Nagdasal ka nga, dininig Nya ang dasal mo PERO may naitatagong galit ka naman sa kapwa mo. Wala din..

Nakwento din ni Father yung tungkol sa magkapatid. Sabi ng kuya, "Nakakainis yung kapatid ko, Father. Inis na inis ako," Sabi naman ni father sa kanya, "Eh di patawarin mo." Sabi naman nya, "Eh pano father kung paulit ulit nyang iniinis ako?" Reply ni father, "Eh di patawarin mo ulit."

We don't need reasons for us to forgive. God doesn't choose people for His forgiveness. Kahit ano ka pa, tatanggapin at mamahalin ka Nya.

Just like the wheels in a bicycle, "We should love God for us to love our neighbor."

No comments: