Last Saturday, I was overly craving for some buttered shrimp. Lalo na yung galing sa Dampa.. While watching TV, bigla na lang ako nagsalita ng "Gusto ko ng buttered shrimp!" Haha! Everyone was busy helping Mom and Dad pack their clothes and "pasalubongs" so I guess no one heard me. Being so lazy at home, niyaya ko si Hon to go out watch a movie or something. Medyo biglaan yung pagkayaya ko sa kanya kasi I already said na wala munang lakad for this week (para magkasama muna sina Mom and Dad bago sila umalis). Pero wala eh, na-bored ako and I want to add my pasalubongs for my nephews and niece. Hon and I went shopping and ate at Max's Restaurant for dinner. Yum! As I went home, Mom told me to wrap the things I bought and include it in their package.
Sunday morning, I woke up and got so surprised about what Mom was doing. Kagagaling lang daw nya sa palengke, bumili ng isang kilong sugpo at hinuhugasan na ang mga ito.. Awww.. Sobrang na-touched ako. Akala ko walang pumansin sa pagkaka-crave ko sa shrimp kahapon. Mom has been so sweet and thoughtful. Eto talaga mamimiss ko. I gave her a big and loving hug. Sabi ko, "Mamita 'wag ka na umalis".. Sabi naman nya,"Ayaw mo bang makapunta din sa Amerika?" "Syempre gusto ko!" Haay... 2-Despedida party nila and some of our relatives from my father's side came.. I ordered food from Amber's. Ohh I love their pichi pitchi! I stayed most of my time in our parent's room.. Tinatabihan lang si Mamita, nanunuod ng TV habang nakahiga. Crowded na kasi sa baba tska at least kasama ko si mom lang muna. At 8:30pm, we heard mass in Don Bosco. Buti na lang si Fr. Robleza. I know Mom and Dad will surely miss his homily.
Woke up because of the noise coming from downstairs, nagsidatingan na pala mga bisita! At oo hinapon na ako ng gising, haha! Day2 of their despedida party and Day of their flight. Waaah... Madaming dumating na mga kamag-anak ule, mostly naman from mother's side. Of course, kailangan si Hon dumating din. He brought cake from Red Ribbon. Actually, sinamahan ko siyang bumili sa Red Ribbon. Pumunta din naman ako dun for last minute shopping for Abby's accessories. Pag-uwi namin jampacked ang bahay, nakatambay na nga ibang mga pinsan ko sa labas. Haha! Cake galore for meryenda. I helped Ate Beth for last minute packing and labeling their luggage. Foodtrip, picture-picture, kwentuhan.. Kumain muna ng masaganang dinner bago pumunta kami sa airport. Habang nasa van, sobrang paghahabilin sa aming magkakapatid. Kita kits na lang sa webcam, laging maginggat, huwag muna magaasawa(haha! para ma-migrate din kami), security sa bahay, yung kotse.. lahat lahat na. Hindi ako naiiyak pero syempre alam ko mamimiss ko sila. Mga 3 years ba naman silang mawawala, after 3 months siguro maiiyak na lang ako sa sobrang pagkakamiss. Iniisip ko na lang sa ngayon, umalis sila with a purpose. Iniisip ko na lang muna na nasa Pangasinan lang sila.
Sa ganitong oras siguro nasa California na sila.. Haaay.. Mamimiss ko kayo Mom and Dad! See yah soon.. May webcam naman. Pasalubong ko ha.. hehe! :)
Tuesday, August 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment